Isang sulat ng isang lalake tungkol sa mga babae.
"Ang
mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa
pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na
para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag
ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na
nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda,
madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong
maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede".
Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun.
"Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda
nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa
kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa
mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga
iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng
okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis
ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang
niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng
"hapi bday".
"Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary
with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog
or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang
naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di
naman kaya ee magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba
mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag
a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at
nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at
isesend ang mga un sa iba.
Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling
sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana
lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng
heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay
if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang
leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang
ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at
nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi
sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang
mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang
kanilang buhay pag-ibig.
And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever
break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami
ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa
ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng
Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang populasyon nila sa mundo, napaka-liit
ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo.
Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o
maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas
ng buhay mo.
-maaring nabasa niyo na ito sa mga social media sites
No comments:
Post a Comment